Donaire, Peñalosa nangupahan na lang
Sa hangaring hindi maistorbo ang pagsasanay ng mga national boxers sa Teachers’ Camp, kumuha na lamang ng isang kuwarto sa hotel sina Filipino world flyweight champion Nonito “The Filipino Flash” Donaire, Jr. at bantam-weigth titlist Gerry “Fear-less” Peñalosa sa Baguio City.
“We didn’t wanna disturb the athletes so we decided to stay in a hotel,” sabi ni Donaire, ang kasalukuyang International Boxing Federation (IBF) at International Boxing Organization (IBO) flyweight king.
Sa nasabing hotel, sinabi ng tubong General Santos City na si Donaire na hindi nila problema ng 36-anyos na si Peñalosa ang pagsasanayan at pagbibilhan ng kanilang pagkain.
“They have their own gym at the basement,” ani Donaire sa tinutuluyan nilang hotel ng World Boxing Organization (WBO) bantamweight titlist na si Peñalosa, kinuha niyang coach matapos makagalit ang kanyang father/trainer na si Nonito, Sr. “Everything else is accessible here. There is food, market, grocery. Nandoon na lahat eh, everything within the area.”
Sa pagpirma ni Puerto Rican Jose “Carita” Lopez sa fight contract kay Thai challenger Pramuansak Posuwan para sa bakanteng WBO super flyweight crown, si dating World Boxing Council (WBC) light flyweight champion Eric Ortiz ng Mexico ang makakasagupa ni Donaire sa Marso 15 sa Araneta Coliseum.
Kagaya ng 26-anyos na si Donaire, nagiba rin ang kalaban ni Peñalosa.
Imbes na itaya ang kanyang suot na WBO bantamweight belt kay Puerto Rican challenger Erik Morel, hahamunin ni Peñalosa si WBO super bantamweight champion Juan Manuel Lopez ng Puerto Rico sa Abril 4 sa New York City.
Si Morel ang makakasagupa ni Mexican Fernando Montiel, binakante ang dating hawak na WBO super flyweight title. (Russell Cadayona)
- Latest
- Trending