Sa ikalawang sunod na pagkakataon, muling iiwasan ng Stunners, Sparks at Generix na makapagbakasyon ng maaga.
Nakatakdang harapin ng Burger King ang Toyota Otis ngayong alas-4 ng hapon, habang makakatagpo ng Pharex ang quarterfinalist Bacchus Energy Drink sa second round ng 2009 PBL PG Flex Linoleum Cup sa Emilio Aguinaldo College Gym sa Taft Avenue, Manila.
Kapwa kailangan ng Stunners ni Allan Gregorio, Sparks ni Ariel Vanguardia at Generix ni Carlo Tan na maipanalo ang kani-kanilang mga huling laro para makasikwat ng quarterfinals ticket.
Kasalukuyang tangan ng semifinalist Harbour Centre ang liderato mula sa kanilang 9-2 baraha sa itaas ng semifinalist ring Magnolia Purewater (7-5), Bacchus (6-5), Hapee Toothpaste (5-6), Toyota Otis (4-6), Burger King (4-7) at Pharex (3-7).
Isang 79-75 panalo ang kinuha ng Energy Warriors sa Batang Pier noong Sabado na nagbi-gay sa kanila ng quarterfinals berth bitbit pa ang ‘twice-to-beat’ advantage laban sa koponang kani-lang mapipili.
Sa kabila nito, kumpiyansa pa rin si coach Carlo Tan sa tsansa ng kanyang Generix.
“After a long wait, the boys can now feel each other now and it’s never too late really,” sabi ni Tan makaraang umiskor ang kanyang Pharex ng isang 81-77 panalo kontra Magnolia noong Sabado na bumuhay sa kanilang pag-asa sa quarterfinals.
Muling pamumu-nuan nina Paul Lee, Patrick Cabahug, Orlando Daroya, Rey Guevarra at Hans Thiele ang Energy Warriors laban kina Ian Saladaga, Ronnie Matias, Sean Co, Dondon Villa-min at Fil-American guard Chris Ross ng Generix. (Russell Cadayona)