^

PSN Palaro

MGM Grand, Thomas & Mack interesado

-

Nagpahayag na ng interes ang MGM Grand Garden Arena at ang Thomas & Mack Center sa Las Vegas, Nevada na maging venue para sa world light welterweight championship nina Filipino boxing superstar Manny Pacquiao at Briton Ricky Hatton sa Mayo 2.

 Ito ang ipinarating ng organisasyon ng MGM Grand at ni Planet Hollywood owner Robert Earl, makikipagtambal kay Steve Wynn para maging co-host ng naturang Pacquiao-Hatton megafight.

 Sakaling tuluyan nang makuha ng MGM ang karapatan, ilalagay ang banggaan ng kapwa 30-anyos na sina Pacquiao at Hatton sa malawak na 16,270-seat Grand Garden Arena, habang sa isang 18,500-seater namang Thomas & Mack Center ang magiging venue kung ang grupo nina Earl at Wynn ang mapipili. 

Kamakailan ay pumayag na si Hatton, ang kasalukuyang International Boxing Organization (IBO) light welterweight titlist, na gawin sa Las Vegas ang kanilang laban ni Pacquiao.

 “We might know something by Friday if the properties get their latest proposals to us,” wika kahapon ni Top Rank chairman Bob Arum. “Both fighters’ fans love to come here, and May 2 was a perfect date with Cinco de Mayo weekend and the Kentucky Derby.” 

Sinabi naman ni Richard Sturm, ang MGM president of entertainment and sports, na determinado ang naturang hotel na makuha ang Pacquiao-Hatton fight.

“We feel it’s an excellent event to host,” wika ni Sturm. “We’re trying to get a deal that works for both sides.”

 Bukod sa kanyang IBO light welterweight crown, itataya rin ng tubong Manchester England na si Hatton, may 45-1-0 win-loss-draw ring record, ang kanyang suot na Ring Magazine belt sa kanilang sagupaan ni Pacquiao, nagdadala ng 48-3-2 card. (Russell Cadayona)

BOB ARUM

BRITON RICKY HATTON

GRAND GARDEN ARENA

HATTON

INTERNATIONAL BOXING ORGANIZATION

KENTUCKY DERBY

LAS VEGAS

MACK CENTER

PACQUIAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with