^

PSN Palaro

May papalit na kina Mamiit at Taino

-

Matapos ang mga Fil-Ams na sina Cecil Mamiit at Eric Taino, isang Fil-American at isang Fil-German naman ang inaasahang mapapabilang sa national men’s tennis team ngayong 2009.

Halos ilang beses na ring nagpabalik-balik sa bansa si Fil-Am doubles expert Treat Condrad Huey taun-taon, samantalang noong Mayo pa ng nakaraang taon sumulat si Fil-German Marc Sieber para maging miyembro ng koponan.

 “If you look at his rankings, his profile, he is already playing under the Philippines,” sabi kahapon ni Philippine Lawn Tennis Association (Philta) vice-president for development Randy Villanueva sa 23-anyos na si Huey na nakabase ngayon sa Washington, DC.

 Matapos magbigay ng ilang double championships sa University of Virginia, nakipag-tambalan naman ang 5-foot-10 na si Huey kay Somdev Devvarman kung saan sila naghari sa Futures doubles tournaments sa Rochester, NY at Pittsburgh, PA.

 “Every year naman bumibisita si Treat Huey dito sa Pilipinas dahil marami naman siyang kamag-anak dito pero hindi lang siya sumasali sa mga tournaments natin,” ani Villanueva kay Huey.

 Tumatayong No. 564 ngayon si Huey sa doubles sa listahan ng ATP at No. 1877 naman sa singles event.

 Kabilang sa mga career achievements ni Huey ay ang pagiging two-time ITA Doubles All-American noong 2007 at 2008, ang paglilista ng school record na 134 career doubles wins at 97 dual match singles wins, ang pagtatala ng 129 career singles wins at ang pagkilala bilang isang four-time All-ACC member.

 Isang No. 360-ranked singles at No. 558 doubles player naman ang 20-anyos na si Sieber na humihingi sa Philta ng kapalit ng kanyang mga nakukuhang allowance mula sa Germany bago humataw para sa RP Team. (Russell Cadayona)

CECIL MAMIIT

DOUBLES ALL-AMERICAN

ERIC TAINO

FIL-GERMAN MARC SIEBER

HUEY

ISANG NO

PHILIPPINE LAWN TENNIS ASSOCIATION

PHILTA

RANDY VILLANUEVA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with