Arellano U Baby Chiefs, bumabandera

Pinayuko ng defending champion Arellano University at Rizal Technological University ang kani-kanilang kalaban at manatiling nangunguna sa junior division ng 16th National Capital Region Athletic Association (NCRAA) junior basketball tournament sa RTU gym.

Umiskor si Kim Pagayunan ng nagpanalong basket nang igupo ng Baby Chiefs ang Emilio Aguinaldo College, 82-33 sa kanilang pag-usad sa solo liderato bitbit ang ikaapat na sunod na tagumpay.

Kumana naman si Carlo Sabangan ng 19 puntos para sa Baby Thunders nang payukurin ang Olivarez College, 87-73 sa cagefest na ito na hatid ng Mikasa at Molten Balls at ng www.philspike.com.

Bitbit ang malinis na baraha, nanatiling nasa tamang landas ang Baby Chiefs sa pagsungkit ng ikatlong kampeonato. Sa katunayan, nailista nila ang kanilang ika-15th sunod na tagumpay, kabilang na 11 game sweep noong nakaraang taon.

Nagtala ng kabuuang 23 puntos si Pagayunan para sa Baby Chiefs kabilang na ang 10 sa ikalawang bahagi ng laro na nagpalobo ng first quarter lead sa 10 puntos, 27-17 sa halftime. 

Show comments