^

PSN Palaro

Cojuangco, may natutunan sa apat na taon niya sa POC

-

Sa kabuuang apat na taon niya bilang pangulo ng Philippine Olympic Committee (POC), may leksyon nang natutuhan si Jose “Peping” Cojuangco, Jr. ukol sa mga problema ng mga National Sports Associations (NSA)s.

Sinabi ni Cojuangco na dapat lamang na magkaroon ng magkakatulad na Constitution and By-Laws ang POC at mga NSAs na siyang pagbabasehan tuwing panahon ng eleksyon. 

Bago natapos ang 2008 ay nakipagpulong na ang presidente ng Philippine Equestrian Federation (PEF) sa pinuno ng mga sports associations.

“Ang huling napagusapan namin ay stick to one namin ang rules para sa ganoon wala ng question pagkatapos ng eleksyon at puwede na nating sabihin na wala ng problema ‘yang NSA na ‘yan,” sabi ni Cojuangco.

Kabilang sa mga NSAs na nagkaroon ng internal problem hinggil sa leadership issue ay ang swimming ni Mark Joseph, karatedo ni Go Teng Kok, archery ni Dr. Leonora Brawner, wushu ni Julian Camacho at cycling ni Bert Lina.

Lumitaw ang mga ‘faction’ sa naturang mga NSAs bago pa makuha ni Cojuangco ang kanyang ikalawang sunod na termino bilang POC chief noong Nobyembre 28. 

“We might as well make sure that these elections now are unquestioned,” ani Cojuangco. “Iyong wala nang magkucomplain, wala nang issue na these elections are not correct. Ngayon pa lamang ay ayusin na muna ‘yong mga Constitution and By-Laws nila.”

Maliban kay Cojuangco, ang iba pang nailuklok sa kani-kanilang posisyon ay sina Bacolod Rep. Monico Puentevella ng weightlifting (chairman), Manny Lopez ng boxing (first vicepresident), Mario Tanchangco ng sepak takraw (second vicepresident), Julian Camacho ng wushu (treasurer) at Corrina Mojica ng bodybuilding (auditor) at sina Joseph ng swimming, Brawner ng archery, David Carter ng judo at Jeff Tamayo ng soft tennis bilang mga POC Board members. (Russell Cadayona)

BACOLOD REP

BERT LINA

COJUANGCO

CONSTITUTION AND BY-LAWS

CORRINA MOJICA

DAVID CARTER

DR. LEONORA BRAWNER

GO TENG KOK

JULIAN CAMACHO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with