^

PSN Palaro

Paragua, Laylo nagtulong para sa panalo ng Pinas

-

AL AIN, United Arab Emirates — Siniguro ng RP-Tagaytay na hindi mauulit ang ikaapat na round na kabiguan kontra sa host Al Ain Chess Club (United Arab Emirates) sa Asian Club Cup.

Ibinigay nina GMs Mark Paragua at Darwin Laylo ang pinaka-importanteng panalo upang igupo ang Club India, 2.5-1.5, sa kanilang fifth round encounter at manatiling nasa kontensiyon para sa titulo at premyong $20,000 top prize sa Al Ain Chess Center dito.

Dinurog ni Paragua, na naghahanap pa ng breakthrough win matapos ang hindi magandang performance sa taong ito, si IM P. Karthkenyan sa board 3.

Dama pa rin ang hearthbreaking kabiguan kay GM Baadur Jobava sa nakaraang round, mahusay ang naging laro ng 24 anyos na si Paragua para manaig sa lower rated Indian opponent.

At si Laylo, miyembro ng RP team sa 38th World Chess Olympiad sa Dres-den, Germany, ay nanaig kay IM Mokal Prathamesh para makuha ang panalo para sa 4th seeded Pinoy sa prestihiyosong torneo na ito.

Ang kambal na panalong ito nina Paragua at Laylo ay naging sapat para matabunan ang pagkakasilat ni GM John Paul Gomez sa kamay ni IM Deep Sengupta sa board two.

Nakipagkasundo naman sa draw si GM Wesley So kay IM R. R. Laxman sa top board.

Ang ikaapat na panalo ng Pinoy kontra sa isang talo sa seven round, 30 team tournament na ito ang naglagay sa kanila sa pakikisosyo sa second hanggang 6th places na may 8 puntos base sa matchpoint style scoring system.

AL AIN CHESS CENTER

AL AIN CHESS CLUB

ASIAN CLUB CUP

BAADUR JOBAVA

CLUB INDIA

DARWIN LAYLO

DEEP SENGUPTA

JOHN PAUL GOMEZ

PARAGUA

UNITED ARAB EMIRATES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with