^

PSN Palaro

Naging makulay ang 2008 para sa PSC

-

Ang pagkakaapruba sa kanilang maliit na pondo, pagpapalit ng dalawang Commissioners at kabiguang makapag-uwi ng anumang medalya mula sa 29th Olympic Games sa Beijing, China. 

Ito ang tatlo lamang sa mga isyu na bumalot sa Philippine Sports Commission (PSC) para sa taong 2008.

 “Para sa akin, it’s a colorful 2008. We sent less than a hundred athletes to other premium training areas for our dream of the first-ever Olympic gold medal in the Beijing Olympics. But we came up with no medals at all,” sabi ni PSC chairman William “Butch” Ramirez.

 Kabuuang P30 milyon ang nagastos ng sports commis-sion para sa pagpapadala ng halos 100 national athletes sa iba’t ibang bansa hinggil sa kani-kanilang mga interna-tional training exposures.

 Para sa kanilang pondo sa 2009, inaprubahan ng Bicameral Conference Committee ng Senado at ng Kongreso ang pondong P208.5 milyon para sa gastusin ng sports agency sa 2009.

 Ang naturang approved budget na manggagaling sa Department of Budget and Management (DBM) ay maliit sa naunang panukala ng PSC na P749.6 milyon, ayon kay PSC Commissioner Eric Loretizo.

  “It’s going to be a challenge for us to meet the financial demands of the PSC’s projects next year. Perhaps, we should be more aggressive in getting the collectibles from other agencies to fund the Olympic training,” wika ni Loretizo.  

 Bukod kay Loretizo na nailuklok bilang bagong PSC Commissioner noong Disyembre ng 2007, ang mga bagong naidagdag sa PSC Board ay sina Commissioner Akiko Thomson at Fr. Vic Uy.

Si Thomson, dating national swimmer na kumampanya sa Olympics, Asian Games at Southeast Asian Games, ang pumalit kay dating national shooter Joey Mundo, habang si Uy naman ang humalili kay Ritchie Garcia.

Kabilang sa mga paghahandaan ng PSC sa 2009, ayon kay Ramirez, ay ang 25th Southeast Asian Games sa Laos at ang Asian Youth Games sa Singapore.

 “While there were setbacks which taught us lessons that we really need a strong grassroots sports development program,” ani Ramirez. “We also feel that we have already identified the training areas for our Olympic training program for the 2012 London Olympic Games.” (Russell Cadayona)

ASIAN GAMES

ASIAN YOUTH GAMES

BEIJING OLYMPICS

BICAMERAL CONFERENCE COMMITTEE

COMMISSIONER AKIKO THOMSON

COMMISSIONER ERIC LORETIZO

PSC

RAMIREZ

SOUTHEAST ASIAN GAMES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with