^

PSN Palaro

Tagaytay-RP chess team nanorpresa

-

AL AIN, UAE – Agad na nakapanorpresa ang fourth seed Tagaytay Chess Club-RP, matapos na maligtasan ang unang dalawang laban kung saan tinalo ng Pinoy chessers ang Al Shuolaa (Yemen), 4-0 at ang Mon-Cad (Mongolia), 3.5-.5 upang pansamantalang makuha ang pangunguna sa first Asian Club Cup chess team championship dito.

Nagposte sina Dubai Open champion GM Wesley So, Mark Paragua at Darwin Laylo ng back-to-back na panalo upang pamunuan ang kampanya ng Filipinos sa prestihiyosong 30-team tournament na ito na inorganisa ng   Asian Chess Confederation (ACC) sa ilalim ng kanilang presidente na si Shaikh Sultan Bin Khalifa Bin Shakhbout Al Nahyan sa kooperasyon ng Abu Dhabi Sports Council head Shaikh Hazza Bin Zayed Al Nayan.

Winalis ni So, gumawa ng kasaysayan sa 10th Dubai Open nitong nakaraang Abril, ang kalabang si S.S. Alhsarfi ng Yemen sa first round at Bayarsaihan Gundavaa ng Mongolia sa second round upang palakasin ang Filipinos asam na   US$20,000 (Dh73,560).

Ginapi naman ni Paragua, ang ikatlong highest-rated player sa likod nina So at GM Eugene Torre na may ELO na 2526 si FM Yahya Faraj ng Yemen at si GM Bazar Hatanbaatar ng Mongolia, habang namayani si Laylo kay Sabri Abdul Moula at Nambai Battulga.

 Tanging ang GM na si John Paul Gomez lamang ang nabigong makumpleto ang sweep sa kanyang unang dalawang laban sa board two.

Tinalo ni Gomez, nakuha ang kanyang GM title sa 38th World Chess Olympiad sa Dresden, Germany nitong nakaraang buwan. Si Rahman Nawas Abdul ng Yemen sa first round pero nakuntento ito sa draw kay FM Cegmed Bathchuluun ng Mongolia sa sumunod na round.

ABU DHABI SPORTS COUNCIL

AL SHUOLAA

ASIAN CHESS CONFEDERATION

ASIAN CLUB CUP

BAYARSAIHAN GUNDAVAA

BAZAR HATANBAATAR

CEGMED BATHCHULUUN

DARWIN LAYLO

DUBAI OPEN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with