^

PSN Palaro

2008 magandang taon para sa Harbour Centre

-

Ano man ang kahihinatnan ng kampanya ng Harbour Centre sa kasalukuyang PBL PG Flex Linoleum Cup, ang taong 2008 ay para sa Batang Pier.

Naitala ng Harbour Centre ang makasaysayang five peat sa Philippine Basketball League at lumapit ang mga Port Masters sa kanilang inaasam na ikaanim na sunod na titulo matapos makapasok sa semifinals ng kasalukuyang kumperensiya.

Tinalo ng Harbour Centre ang Hapee Toothpaste sa PBL second conference para sa ikalimang sunod na titulo na ngayon lamang nangyari sa 25 na taong kasaysayan ng liga na nagawa nila sa loob lamang ng tatlong taon.

Malaking susi sa tagumpay na ito si Jason Castro na siyang nagbida sa kanilang title clinching 86-73 panalo laban sa Complete Protectors sa dinayong Batangas City Sports Center para tapusin ang best-of-five championship series sa 3-1 panalo talo.

Ang Harbour Centre ni Mikee Romero na ngayon ang ikatlong winningest teams ng liga. Hindi pa rin natitinag sa unahan ang Tanduay na may pitong korona kasunod ang Welcoat Paints na may anim na titulo bago pumalaot sa pro league.

Wala na ngayong Jason Castro na inaasahan ang Batang Pier ngunit namamayagpag pa rin sila sa kasalukuyang kumperensiya ng PBL taglay ang 8-1 panalo-talo na sumiguro sa kanila ng isa sa dalawang outright semis slot na ipagkakaloob sa top-two teams.

Bukod kay Castro, nag-ningning din sa taong 2008 ang Fil-Am na si Gabe Norwood para sa Complete Protectors na ngayon ay naglalaro na sa Rain Or Shine sa PBL.

“Our players come and go, pero we will not stop develop players,” wika ni Romero, ang chairman din ng PBL.

Sa second conference, nag-tala ang Batang Pier ng 12-game winning streak na pinutol ng Pharex.

Sa kasalukuyang kumperensiya, nagtala ng pitong sunod na panalo ang mga bata ni coach George Gallent ngunit pinutol din ito ng Generix.

Ngunit hindi ito naging balakid sa Harbour Centre na ngayon ay nakakasiguro na sa Final Four.

Bagama’t nabigo si Norwood na tulungan ang Hapee na wakasan ang apat na seasons na pagkauhaw sa kampeonato, ang kanyang matikas na laro sa PBL ay nagsilbing tiket para sa dating George Mason University standout upang maging top rookie pick sa pro ranks.

Ibinalik din ni Romero ang Women’s PBL, matapos mabinbin ng siyam na taon at nagkampeon ang Ever Bilena para sa kanilang ikatlong sunod na titulo.

Nagbida si Marichu Bacaro, ang tinanghal na Most Valuable Player upang igupo ng Gandang Pinay ang Smart Buddy-University of the Philippines matapos itala ang 2-0 sweep sa kanilang best-of-three serye. (Mae Balbuena)

ANG HARBOUR CENTRE

BATANG PIER

BATANGAS CITY SPORTS CENTER

COMPLETE PROTECTORS

EVER BILENA

FINAL FOUR

FLEX LINOLEUM CUP

GABE NORWOOD

HARBOUR CENTRE

JASON CASTRO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with