Arigo, Yeo, Co-PBAPC Players of the Week
Kasabay ng pag-upo nina Asi Taulava at Nic Belasco bunga ng mga injuries, ipinakita naman ni John Arigo ang kanyang pagiging beterano para sa Coca-Cola, samantalang pinatunayan naman ni Joseph Yeo na siya ang ‘sixth man’ ng Sta. Lucia.
Sa paggiya ni Arigo sa Tigers at ni Yeo sa Realtors sa panalo, kinilala ang dalawa bilang Accel/KFC PBA Press Corps’ Co-Players of the Week.
Naglista si Arigo ng 31 puntos sa come from behind 88-86 win ng Coke kontra sibak nang Red Bull Barakos noong Biyernes upang makapasok sa wildcard phase.
Sa pag-upo nina Taulava at Belasco mula sa fractured left hand at sprained right ankle injury, si Arigo na ang inasahan ni interim coach Kenneth Duremdes.
“It was a classic case of a veteran taking over,” ani Duremdes sa 30-anyos na si Arigo, ang No. 5 overall pick ng Alaska noong 2001. “Kung kailan kailangan talaga namin nag-respond siya and ipinakita niya na isa pa rin siya sa leaders ng Coca-Cola Tigers.”
Nagtala ang 6-foot-2 na si Arigo ng 13-of-20 fieldgoal, tampok ang 4-of-6 clip sa three-point area, bukod pa ang 8 para sa 7-11 win-loss record ng Coke.
“We survived at napaka-importante noon dahil we still have something to look forward to in the conference,” wika ni Duremdes.
Sa kaso naman ni Yeo, umiskor ang dating Green Archer ng La Salle ng game-high 25 puntos para tulungan ang Sta. Lucia sa 102-98 panalo laban sa Red Bull noong Linggo.
“Yeo stepped up the most and it’s sort of expected because he’s really been our ace off the bench,” ani Realtors’ mentor Boyet Fernandez kay “The Ninja,” humugot ng 22 marka sa second half kasabay ng pakikipagtuwang kay Dennis Espino.
“Ganoon talaga ang game ko, pag nakuha ko na ang rhythm, buwelo ko,” sabi ni Yeo, ang No. 3 overall pick ng Coke noong 2006. “Ipinapakita ko lang ang capability ko to create offense, draw the defense.” (Russell Cadayona)
- Latest
- Trending