Fernandez, Cabahug Co-Players of the Week

Dalawang kilalang shooters na sina Benedict Fernandez at Patrick Cabahug ang pumukaw ng pansin nang kanilang pangunahan ang Harbour Centre at Bacchus Energy Drink ayon sa pagkaka-sunod sa huling linggo ng PBL PG Flex Linoleum Cup para sa 2008.

Dahil sa impresibong laro nina Fernandez at Cabahug pinaghatian nila ang Player of the Week award.

Ito ang unang pagkakataon sa kumperensiyang ito na dalawang players ang nanalo ng award matapos ang kanilang kabayanihan sa panalo ng Batang Pier at Energy King sa iisang kalaban noong nakaraang Linggo na Toyota Otis Sparks.

Umiskor ang sophomore na si Fernandez ng season-high 20 points nang magtala ang Batang Pier ng lopsided 86-78 victory noong Martes sa Letran Gym.

Bagamat nagmintis ang 6-foot gunner mula sa Far Eastern University sa kanyang tatlong attempts sa 3-point line, bumawi si Fernandez sa 2-point field sa 7-of-8 shooting at may perfect na six attempts sa free throw line para sa pagsulong ng Harbour Centre sa 8-1 record na nakakasiguro na ng outright semis slot.

Si Cabahug naman ang nagpakitang gilas makalipas ang apat na araw upang patunayang isa pa rin siya sa mga lehitimong shooters ng team.

Matapos ang apat na laro, ipinamigay ng Sparks si Cabahug sa Energy Warriors kapalit ni guard Marc Cagoco at sa kanyang unang laro sa Bacchus, kumana ito ng 18 points sa 6-of-12 shooting sa kanilang one-sided 78-63 panalo noong Sabado kung saan umiskor ito ng tatlong tres sa mainit na 15-0 run sa pagtatapos ng third quarter na nagbigay sa Energy Warriors ng momentum tungo sa ikatlong sunod na panalo ng Bacchus na nagbigay sa kanila ng tsansa sa huling outright semis berth.

Show comments