General Santos City--Tinanggap ni People’s Champ Manny Pacquiao ang igagawad na “Doctor of Humanities, Honoris Causa” ng Southwestern University sa Cebu City.
Pinadalhan ng sulat si Pacquiao ng pamunuan ng university upang ipaalam dito na malaking karangalan para sa kanilang institusyon kung tatanggapin ni Manny ang kanilang imbitasyon na gawaran siya ng “Doctor of Humanities, Honoris Causa”.
“Your very recent achievement shows the art and science of boxing in action. Your display of prowess in the sport is worth an academic dissertion. Thus, upon the recommendation of the University Council and the Chairman of the Board of Directors, Mr. Andrew Aznar, the Southwestern University will be honored if you could accept our invitation for you to be a recipient of the Doctor of Humanities, Honoris Causa,” nakasaad pa sa sulat ni Mr. Flaviano Manalo, chief of staff ng SWU para kay Pacquiao.
Binasa ni Atty. Jeng Gacal, legal counsel ni Pacquiao, ang nilalaman ng sulat sa mismong selebrasyon ng ika-30 kaarawan ni Pacquiao kamakalawa ng gabi na ginanap sa KCC Convention Center.
Kaagad namin tinanggap ni Pambansang Kamao ang igagawad sa kanyang pagkilala ng SWU.
Itinakda naman sa ibang araw ang conferment ng doctorate degree kay Pacquiao na gaganapin sa Southwestern University sa Cebu City.
Kaya sa susunod na laban ni Pacquiao kay Ring magazine junior welterweight champion Ricky Hatton ay may bagong titulo na ikakabit si renowed boxing announcer Michael Buffer sa pangalan ni Pacquiao dahil sa igagawad ditong “doctor of humanities” ng SWU. (Rudy Andal)