^

PSN Palaro

Pacman ginawaran ng 'Doctor of Humanities, Honoris Causa'

-

General Santos City--Tinanggap ni People’s Champ Manny Pacquiao ang igagawad na “Doctor of Humanities, Honoris Causa” ng Southwestern University sa Cebu City.

Pinadalhan ng sulat si Pacquiao ng pamunuan ng university upang ipaalam dito na malaking karangalan para sa kanilang institusyon kung tatanggapin ni Manny ang kanilang imbitasyon na gawaran siya ng “Doctor of Humanities, Honoris Causa”.

“Your very recent achievement shows the art and science of boxing in action. Your display of prowess in the sport is worth an academic dissertion. Thus, upon the recommendation of the University Council and the Chairman of the Board of Directors, Mr. Andrew Aznar, the Southwestern University will be honored if you could accept our invitation for you to be a recipient of the Doctor of Humanities, Honoris Causa,” nakasaad pa sa sulat ni Mr. Flaviano Manalo, chief of staff ng SWU para kay Pacquiao.

Binasa ni Atty. Jeng Gacal, legal counsel ni Pacquiao, ang nilalaman ng sulat sa mismong selebrasyon ng ika-30 kaarawan ni Pacquiao kamakalawa ng gabi na ginanap sa KCC Convention Center.

Kaagad namin tinang­gap ni Pambansang Ka­mao ang igagawad sa kan­yang pagkilala ng SWU.

Itinakda naman sa ibang araw ang conferment ng doctorate degree kay Pacquiao na gaganapin sa Southwestern University sa Cebu City.

Kaya sa susunod na laban ni Pacquiao kay Ring magazine junior welterweight champion Ricky Hatton ay may bagong titulo na ikakabit si renowed boxing an­noun­cer Michael Buffer sa pangalan ni Pacquiao da­hil sa igagawad ditong “doctor of humanities” ng SWU. (Rudy Andal)

CEBU CITY

CHAMP MANNY PACQUIAO

CONVENTION CENTER

DOCTOR OF HUMANITIES

HONORIS CAUSA

JENG GACAL

MICHAEL BUFFER

MR. ANDREW AZNAR

MR. FLAVIANO MANALO

PACQUIAO

SOUTHWESTERN UNIVERSITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with