^

PSN Palaro

Malakas pa rin ang karisma ni Alvin Patrimonio

SPORTS - Dina Marie Villena -

Malakas pa rin talaga ang karisma ni Alvin Patrimonio.

Hanggang ngayon sikat pa rin ito at pati mga bata ay kilala pa rin siya.

May mga bagong sikat na PBA players na pero hindi pa rin nakakalimutan si Alvin at kapag nakita siyang pumunta sa ibang lugar ay pinagkakaguluhan pa rin.

O well, maganda naman kasi ang naitatak ni Alvin sa mundo ng basketball, kaya naman hindi kataka-taka ito.

Isang patunay ay ang sorpresang pagdating niya sa simpleng selebrasyon ng debut ng aking bunsong si Lorraine Jane na kanyang inaanak.

 Hindi lang ang debutant ang tuwang-tuwa kundi pati na rin ang aming mga kapit-bahay na talagang nagpapicture sa kanya.

Sikat pa rin talaga ang pare ko!

Thanks Capt.!

***

Yehey! Sa wakas, matapos ang apat na taong palaging runner-up ang PSN-Pink duckpin bowlers, nag-champion din sa wakas ang grupo namin sa Star Group of Publication inter-color duckpin tourna-ment.

Noong Biyernes itinakda ang stepladder championship kung saan No. 2 kami.

Kailangang magmeet muna ang No. 3 (Pilipino Ngayon Printing-Red) at No. 4 Maintenance and Motorpool (Violet) na ang winner ang siyang maka-kaharap namin habang waiting ang Philippine Star-Yellow Team.

Kinakabahan ako dahil dalawa sa inaasahang players ang wala sa dahilang hindi maiiwasan.

To make the story short, tinalo ng PSN-Pink at nakaharap sa championship ang malakas na Phil. Star-Yellow Team.

At hayun, nag-champion nga ang PSN-Pink team na binubuo nina Beth Repizo, Margs Ebio, Lanie Mate at ang inyong lingkod sa ladies habang sina Rollie Villena, Arnel Hernandez, Arnel Jaraba, Rommel Condino, Ding Andrade, Toto Victoria, Gerry Madla, Randel Reducto at Grego Esplana sa men’s.

 Congrats team!

Nagpapasalamat kami sa mga nag-iisponsor sa amin na sina PSN editor-in-chief Al Pedroche, PSN/PM entertainment editor Salve Asis, at sa PSN accounting thru Ms. Angie Isidro.

Salamat sa suporta!

***

Binabati ko rin ang mga individual awardees na sina Jessilyn Santos sa highest single, highest pinning, Tony Galuza (men’s highest single), Mario Baguio (men’s highest pinning), Red team, highest team single at Yellow team, highest team triples. At ang top 10 sa men’s: 1. Ariel Alejandria, 2. Rollie Villena, 3. Galuza, 4. Gil Deonio, 5. Danny Acosta, 6. Paquito Faro, 7. Baguio, 8. Tammy Baldostamon, 9. Jaime Martinez, 10. Ding Andrade. Sa ladies top three naman sina Santos, Flor Liboro at Elaine Briones.

AL PEDROCHE

ALVIN

ALVIN PATRIMONIO

ARIEL ALEJANDRIA

ARNEL HERNANDEZ

ARNEL JARABA

DING ANDRADE

RIN

ROLLIE VILLENA

TEAM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with