^

PSN Palaro

Lamang na sa utakan

GAME NA! - Bill Velasco -

Nitong nakaraang linggo, isang malaking kaganapang magbabago sa takbo ng Philippine sports ang nangyari sa PhilSports Complex. Naging saksi ang halos 400 miyembro ng Philippine sports community mula Luzon, Visayas at Mindanao sa paglunsad ng Philippine Sports Institute (PSI), ang kinikilalang educational arm ng Philippine Sports Commission.

Nauna itong itinatag noong 1996 bilang Philippine National Institute of Sports at binago ang pangalan noong 2006, ang PSI ay isang paaralan kung saan lahat ng kinakailangan upang maging dalubhasa sa sports, sports science, training at iba pang disiplina ay nakaluklok. Sinimulan ito sa P20 milyon mula sa PSC, at inaasahang malilikom pa ang karagdagang P30 milyon upang tumuloy-tuloy na ito.

“This is really a dream come true for us at the PSC,” bigkas ni PSC chair William Ramirez, na tatlong taon mahigit nang trinatrabaho ang institusyong ito.  “As an educator, I am glad that we will now be able to provide our athletes, coaches and sports officials educational material at par with other countries that are world champions in sports.”

Nagsimula ang araw sa presentasyon ng magiging papel ng PSI sa sports development, kakabit ang pangako ng suporta ni Sen. Gregorio Honasan, na nagsabing sisikapin niyang makaku-ha ng mas malaking badyet mula sa dalawang kamara para sa sports. Noong hapon, nilunsad din ang Manuel V. Pangilinan National Sports Library and Resource Center, na ipinangalan sa pinuno ng PLDT na nangakong tutulong sa PSI.

“We have already received millions of pesos worth of books and audiovisual materials,” sabi ni PSI director at professor Henry Daut. “The next shipment has already arrived, and should clear customs within the week.”

Maraming bihirang sports books at training videos ang nakalagak na sa library, bunga ng pakikipagtulungan sa mga ahensya tulad ng International Olympic Committee at maging mga organisasyon mula sa Australia, US, England, Cuba, Spain, Singapore, Romania, Russia at Yugoslavia.

Magbibigay ang PSI ng mga doctoral program at masteral programs, tulad ng MS degree sa Sports Science, Sports Ma-nagement, Leisure and Sports Tourism, Wellness and Lifestyle Management.

May mga certificate courses din, gaya ng management, mar-keting, journalism, fund-raising at facilities management. Magiging malaking tulong ito sa mga atleta o coach na kinakailangan na ring magbago ng diresksyon sa kanilang mga karera.

“The learning never ends,” pagpapatuloy ni Ramirez. “Where does an athlete learn to coach? Where does a coach learn to manage? Where will all of them learn the latest techniques and technologies? Now, at the PSI, they can find their next calling.”

Maaari ring tumira doon ng panandalian ang mga mag-aaral mula sa mga lalawigan.

GREGORIO HONASAN

HENRY DAUT

INTERNATIONAL OLYMPIC COMMITTEE

LEISURE AND SPORTS TOURISM

MANUEL V

PANGILINAN NATIONAL SPORTS LIBRARY AND RESOURCE CENTER

PHILIPPINE NATIONAL INSTITUTE OF SPORTS

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

SPORTS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with