^

PSN Palaro

Burger King iwas silat

-

Sumandal ang Burger King sa kanilang mga da-ting inaasahan upang ma-kaiwas sa puntiryang upset ng Pharex mata-pos ang 73-67 pana-lo na nagbigay bu-hay sa kanilang kampanya para sa quarterfinal slot sa 2009 PBL PG Flex Linoleum Cup sa Emilio Aguinaldo Col-lege gym sa Manila.

Bagamat noong na-karaang linggo lamang ibinalik sa team sina Nestor David at Abby Santos naasahan na sila ng Burger King matapos umiskor ng clutch baskets upang tumulong sa pag-pigil ng paghahabol ng Pharex at makabangon mula sa apat na sunod na kabiguan.

Umiskor ang 6-foot-5 na si Santos ng pito sa kanyang game-high 19 points sa umaati-kabong 12-0 blast, kabi-lang ang triple na naglayo ng iskor sa 65-52.

Nagsumite rin ng im-presibong numero ang six-foot-2 na si David sa kanyang 16 points at 10 rebounds para umahon ang BK Stunners sa 3-5 win-loss record.

“It’s nice to be back, it’s nice to win again,” ani BK coach Allan Gregorio na panay ang papuri kina Santos at David.

Nalaglag ang Generix, sumilat sa league-leading Harbour Centre, 78-74, noong Huwebes, sa 1-7 at nanganganib na ang ka-nilang tsansa sa quarter-finals

Kailangang ipanalo ng Generix ang natitirang apat na games upang manatili sa kontensiyon.

Burger King 73 -- San-tos 19, David 16, Luanzon 13, Menor 11, Arellano 8, Marcelo 5, Pascual 1, Misa 0, Baracael 0.

Pharex 67 – Saladaga 18, Matias 15, Ross 9, Gerilla 6, Melegrito 5, Bau-zon 4, Villamin 2, Ebuen 2, Allera 2, Espiritu 2, Co 2, Aguilar 0, Galinato 0.

Quarterscores: 19-19; 36-31; 53-50; 73-67.

ABBY SANTOS

AGUILAR

ALLAN GREGORIO

BURGER KING

EMILIO AGUINALDO COL

FLEX LINOLEUM CUP

GENERIX

HARBOUR CENTRE

NESTOR DAVID

PHAREX

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with