^

PSN Palaro

Motorcade ni Pacquiao, dinumog

-

Nakasuot ng puting polo at asul na maong, hindi ininda ni Filipino boxing icon Manny Pacquiao ang minsanang pag-ambon sakay ng isang float na lumibot sa ilang piling kalsada sa Quezon City, Sta. Mesa, Taft Avenue at Tondo.

Nagsimula ang nasabing motorcade para sa 29-anyos na si Pacquiao sa opisina ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Lito Atienza sa Visayas Avenue sa Quezon City bago ang courtesy call kay Mayor Sonny Belmonte.

Bagamat umambon, hindi pa rin sumukob si “Pacman” sa payong kasabay ng walang kapagurang pagngiti at pagkaway sa kanyang mga fans sa kalsada.

Maski na ang mga estudyante ay naglabasan ng kani-kanilang mga eskuwelahan para lamang masulyapan at makamayan si Pacquiao, may kursong Business Management sa Notre Dame University sa General Santos City, bitbit ang confettis at banners.

Matiwasay na nagtapos ang nasabing motorcade sa SM Mall of Asia kung saan nagkaroon rin ng programa bilang pagkilala sa pagiging best pound-for-pound boxer’ ni Pacquiao.

Matapos ang nasabing aktibidad, nakatakda namang umuwi si Pacquiao sa General Santos City ngayong araw kung saan isang Hero’s Welcome naman ang inihanda ni Mayor Pedro Acharon, Jr. bukod pa sa paboritong nilagang manok na ihahanda ni Nanay Dionisia.

“Talagang hinihintay na namin si Manny. Miss na miss na namin siya eh,” sambit ni Nanay Dionisia sa kanyang anak na si Pacquiao.

Isang biyahe sa United States ang gusto namang Pamasko ni Nanay Dionisia mula kay Pacquiao. (Russell Cadayona)

BUSINESS MANAGEMENT

DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES

GENERAL SANTOS CITY

MALL OF ASIA

MAYOR PEDRO ACHARON

MAYOR SONNY BELMONTE

NANAY DIONISIA

NOTRE DAME UNIVERSITY

PACQUIAO

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with