Batang Pier sinorpresa ng Pharex
Dalawang mahalagang freethrows ang ipinasok ni Kojack Melegrito may 2.7 segundo ang nalalabi nang ipalasap ng Generix ang unang kabiguan sa five-time champion Harbour Centre, 78-74 sa ikalawang round ng 2009 PBL PG Flex Linoleum Cup kahapon sa Arellano University gym, sa Legarda.
Matapos ang split ni Benedict Fernandez para sa 48-57 agwat ng Batang Pier ni Jorge Gallent sa huling 32.6 segundo sa third period, isang 10-3 atake ang ginawa ng Generix ni Carlo Tan upang ilista ang isang 16-point advantage, 67-51, tampok ang dalawang three-pointer ni Fritz Bauzon, sa 8:18 minuto sa fourth quarter.
Samantala, naging epektibo ang depensa ng Hapee Toothpaste sa final quarter upang muling talunin ang Toyota Otis, 72-66, upang muling buhayin ang kanilang kampanya sa outright semis berth.
Bagamat nalimitahan sa dalawang puntos sa final half matapos umiskor ng 11-puntos sa unang bahagi ng labanan, kakaibang lakas ang ipinamalas ni UAAP MVP Jervy Cruz sa shaded lane na tinuldukan niya ng dalawang krusyal na defensive stops sa huling dalawang minuto ng labanan bagamat nalimitahan ito sa dalawang puntos lamang sa final half.
Hapee 72--Cruz 13, Vanlandingham 11, Daa 8, Hugnatan 7, Grijaldo 7, Espiritu 6, Viray 5, Olarte 4, Saguindel 4, Morial 3, Nkemakolam 2, Convento 2.
- Latest
- Trending
















