Pacquiao, mas type ni Hatton kalabanin

LAS VEGAS -- Totoo, mas gusto ni Ricky Hatton na kalabanin si Manny Pacquiao kaysa kay Oscar Dela Hoya.

Sinabi kahapon ng ipinagmamalaki ng Man-chester at reigning IBO light-welterweight cham-pion na gusto niyang ka-labanin si Pacquiao sa isang taon dahil ito ang pinakamagandang laban sa kanya.

“I want to fight the best. He’s the pound for pound champ after all,” ani Hatton, na dinimolisa si Paul Malignaggi kama-kailan sa panayam ng ABS-CBN.

Nahuli ng ilang Pinoy scribes si Hatton, na 30 araw lamang ang tanda kay Pacquiao sa pamo-song Burger Bar ng Man-dalay Bay.

Kasama nito ang ilang kaibigan na nag-iinuman at mabait namang kina-usap ang mga scribes.

“Yes, I want to fight Pacquiao,” ani Hatton, na nasa Vegas upang pa-noorin ang “Dream Match.”

May nagsabi kay Hatton na gusto rin siyang kalabanin ni Pacquiao at kahit na idaos pa ito sa Wembley Stadium sa England.

“No, I will fight him in LA,” nakatawang wika ni Hatton.

Gusto rin ni Oscar Dela Hoya si Hatton, pero kailangang talunin niya muna si Pacquiao sa laban na iyon.

Sa kabaligtaran na-man, kung matatalo si Pacquiao sa Sabado (Linggo sa Manila), maka-kalaban pa rin niya si Hatton dahil ito rin ang susunod niyang pinaka-magandang laban na hinihiling ng marami.

“Win or lose, Manny will end up facing Hatton because that’s the next big fight,” anang adviser ni Pacquiao na si Wakee Salud.

Samantala, hindi totoong sold-out na ang tiket para sa ‘Dream Match’.

Sa katunayan, buma-ba pa ang presyo ng tiket sa black market, na isang direktang resulta ng pagbagsak ng ekonomiya sa Amerika.

Ang tiket para sa laban bukas, na ang pinakamura ay $150 at ang pinakamahal naman ay $1,500, na ayon sa ulat ay sold-out na isang oras matapos magbukas ang bentahan noong nakaraang buwan. Tanging 500 tikets lamang para sa 16,000 seats ang maaaring bilhin ng publiko.

“But most of these tickets went to scalpers and now they’re having problems selling them,” anang Pinoy banker, na nagtungo dito para panoorin lamang ang laban. Bilang regular cus-tomer sa MGM, nakuha niya ang $1,500 ticket ng libre.

“They’re (MGM) giving it away to their patrons, and what I heard is that there are more tickets to be given away in the next two days. They didn’t really sell out,” aniya pa. 

Show comments