LAS VEGAS — Hindi pa tapos si Juan Manuel Marquez sa paghahabol kay Manny Pacquiao.
At ipinaramdam ito ng Mexican, na dalawang beses nilabanan ang Pinoy superstar, na dumating sa final press conference para sa ‘Dream Match’ sa pagitan nina Pacquiao at Oscar Dela Hoya sa Sabado.
Hanggang ngayon, naniniwala si Marquez na siya ang nagwagi sa laban niya kay Pacquiao, ang una na nagtapos sa controversial draw at ikalawa sa split decision para sa Pinoy.
Hindi sumusuko si Marquez na makakakuha siya ng ikatlong laban kay Pacquiao.
“Yes, I’m looking for that third fight wherever. At 140, 147, 150 or 160 (pounds) I will fight him. If he wants to fight me at 147 I will fight him. No problem even if we fight in the Philippines,” anang Mexican.
Sinabi din nitong susundan niya si Pacquiao hanggang sa buwan.
Kasunod nito, pinag-usapan din nila ang nalalapit na laban at sinabing magwawagi si Dela Hoya na mas malaki at mas may karanasan.
“I think Oscar will win the fight. Oscar is strong. But Oscar should use his experience. He should use his combinations and move his body. So I think it’s Oscar,” aniya.
Si Marquez ay ilan lamang sa mga Mexicans na dumating sa press conference para ipakita ang suporta kay Dela Hoya.
Ang iba ay sina Ruben Olivarez, Carlos Zarate, Pipino Cuevas, Humberto Gonzalez, Ricardo Carmona, Rafael Marquez, Israel Vasquez, Oscar Larios at Daniel Zaragoza.
Para kay Marquez, ang labanan si Pacquiao sa ikatlong pagkakataon ang kanyang sariling ‘Dream Match’. (Abac Cordero)