LAS VEGAS — Nagsilbing tagapagsalita ni Oscar Dela Hoya ang CEO ng Golden Boy Promotions na si Richard Schaefer.
Habang inirereserba ni Dela Hoya ang kanyang mga salita para sa final press conference sa Miyerkules, umupo si Schaefer sa tabi ng mga Filipino scribes sa malawak na main press center ng MGM Grand.
At siyempre alam niya kung ano ang kanyang mga sasabihing nais marinig ng mga manunulat.
“If you fight the best pound-for-pound boxer in the world, it’s not going to be a walk in the park,” aniya sa mga nakalinyang tape recorders.
Ang pinakamahusay na pound-for-pound fighter ngayon na si Manny Pacquiao ay makakalaban si Dela Hoya, ang mas malaki at mas matanda sa kanya sa Sabado (Linggo sa Manila) sa MGM.
Kilalang-kilala ni Schaefer si Pacquiao, bunga ng ilang beses na nakatrabaho ang Pinoy icon sa kanyang promotions at sa totoo lang ay halos muntik ng magkasara ng kontrata sa nagniningning na superstar.
“They call him Pacman because he keeps coming and coming and coming. He’s like the energizer bunny. You can’t stop him. You can’t pull the batteries out,” ani Schaefer.
Sinabi ni Schaefer na ang ‘Dream Match; sa Sabado ay hindi lamang papantay, kundi baka malagpasan pa ang all-time record sa pay-per-view sales na 2.4 million buys-- tulad ng tinampukan ng Dela Hoya-Mayweather fight noong nakaraang taon.
(Abac Cordero)