Pacquiao-Dela Hoya match tatagal - Dundee
LAS VEGAS — Isa lamang sa ilang tao si Angelo Dundee ang nagsasabi na ang labang ito ay magtatagal.
At sa saliw ng Mariachi music sa MGM’s grand lobby, nagbigay ang legendary trainer ng maliit na prediksyon sa darating na ‘Dream Match’ sa Sabado sa pagitan nina Oscar Dela Hoya at Manny Pacquiao ay magiging mahigpitan at posibleng umabot ito ng last round.
“I see the fight going the limit,” ani ng 87-anyos na si Dundee na hinawakan ang mga greatest fights of all time, na nagtampok sa mga dati niyang fighters gaya nina Muhammad Ali, Sugar Ray Leonard, Jose Napoles, George Foreman at Carmen Basilio.
Sinabi ni Dundee, ang bagong dagdag sa Team Dela Hoya, na ang dalawang mahuhusay na fighters na maghaharap ay naggagarantiya ng isang magandang laban.
“This is the fight people want to see --Pacquiao versus Dela Hoya,” dagdag pa niya.
Nagpatuloy si Dundee sa kanyang pagsasalita na sa nasabing laban, ang weight ang siyang pinakamalaki para sa isang tulad ni Pacquiao at pinakamaliit naman para kay Dela Hoya, na inaasahang magbibigay ng sobrang excitement hindi lang sa boxing kundi sa buong mundo.
“It’s got to be a great fight because they are both great fighters. And the best man will win-very simple. I see the fight going the limit,” anya.
“I see a great fight, a great night of boxing. And the year will end good for boxing with this fight. And the people know who the fighters are and that’s most important,” wika pa ni Dundee .
Sa edad na 35, si Dela Hoya pa rin ang undisputed pay-per-view king, habang ang 29-anyos na si Pacquiao ang bagong pound-for-pound king.
“I think it will go twelve. Both are strong, and both can take a good punch. Both could fight. It’s just a shame two guys will have to fight like this because they’re both good fighters,” sabi pa nito bago lumisan.
- Latest
- Trending