Talk N Text nakabawi sa SMBeer

SINGAPORE — Dinomina ng Talk N Text ang San Miguel Beer sa final half tungo sa 85-80 panalo sa kanilang KFC PBA Philippine Cup showdown sa National Indoor Stadium dito kagabi.

Ginamit ng Tropang Texters ang kanilang bilis at epektibong shooting upang sapawan ang pangingibabaw ng Beermen sa boards at makabawi sa kanilang 77-84 pagkatalo sa kanilang unang pagkikita sa Manila at umangat sa 7-6 kartada kung saan katabla nila ang defending champion Sta. Lucia at Rain Or Shine sa likod ng nangungunang Alaska na may 9-4 karta at Beermen na nanatili sa ikalawang puwesto kahit na dumausdos sa 8-6 record.

“Coming into this game, I told the boys any team can play one good game as we did against Sta. Lucia but the mark of a good team is the ability to string up consecutive good games. We’ve made it two in a row and hopefully we can continue winning,” pahayag ni Talk N text coach Chot Reyes.

Nanguna si Jimmy Alapag para sa Tropang Texters sa kanyang 20-puntos kasunod ang 17 ni Jared Dillinger. (N.BELTRAN)

Show comments