SFAC maagang nagparamdam
Pinayuko ng host St. Francis of Assisi College ang National College of Business and Arts, 85-49, upang banderahan ang mga opening day winners sa First UCLAA tournament noong Martes sa Makati Coliseum.
Nagpasabog si Rex Leynes ng 21 puntos habang nagdagdag naman ng 18 puntos si Raymond Ilagan para sa Doves.
Samantala nalusutan ng De Ocampo Memorial College ang Las Piñas College, 59-56 sa ikalawang laro habang inilampaso ng Metro Manila College ang University of the Philippines-Los Baños, 93-57, sa ikatlong laban.
Dinaig naman ng Colegio de Sta. Monica ang Pamantasan Lungsod ng Muntinlupa, 61-54, at sa kabayanihan ni Mark Guillen na nagpakawala ng 21 puntos at nag-ambag naman si Julius Manalo ng 18 puntos ng kanilang banderahan ang Philippine College of Criminology sa 67-48 tagumpay laban sa St. Jude College.
Ang first UCLAA ay sinusuportahan ng Mang Inasal, Air21, Besuto prawn crackers, Villa de Oro Boracay, Magarbo, Magnolia, Basketbolista Magazine at www.game-face.ph.
- Latest
- Trending