Kapwa nagtagumpay ang mga paboritong sina John Tierro at Johnny Arcilla sa kani-kanilang kalaban at makarating sa men’s singles quarterfinals ng 2008 Philippine Columbian Association Open Tennis Championship sa club’s indoor shell court.
Pinayuko ni Tierro, top seed sa event na ito na hatid ng Lhuillier at suportado ng The Star, ang national coach na si Cris Cuarto, 6-2, 6-3 upang makaharap si Elbert Anasta, na nagwagi kay Manuel Mantua, 7-5, 6-0.
Ginapi naman ng defending champion na si Arcilla si Raffy Santiago, 6-2, 6-1, upang isaayos ang quarterfinal showdown kay 7th seed Alexander Lazaro na nanaig kay Japanese Hiroki Katoh, 6-1, 6-0.
Sa kababaihan tinalo ng top seed na si Bambi Zoleta si Jasmine Tan Ho, 6-3, 6-3 at dinurog ni second seed Michelle Pang si Len Len Santos, 6-1, 6-0 para makausad din sa quarterfinals.
Nanatiling buhay ang kampanya ni 3rd seed Czarina Mae Arevalo para sa titulo makaraang gapiin si Jennelyn Magpayo, 6-1, 6-0.