Muling dumaan sa butas ng karayom ang San Sebastian upang igupo ang La Salle, 21-25, 25-17, 20-25, 28-26, 15-9 at makapasok sa championship round ng Shakey’s V-League second conference na nagpatuloy sa The Arena sa San Juan City kahapon.
Hinalinhan ni Jennelyn Belen si Charisse Ancheta para magset ng plays para sa San Sebastian sa dikdikang fourth at fifth sets na pinagwagian ng Stags para makumpleto ang kanilang two-game sweep sa three-time champions.
Naging pahirap din sa San Sebastian ang season-high na 22-blocks ng La Salle na nagpakawala ng matutulis na kills, kabilang ang 23 mula kay top-hitter Laurence Ann Latigay, na umiskor sa quick plays at power hits para magtapos ng 27 puntos bukod pa sa apat na blocks.
“La Salle‘s blocking was impressive and I gambled on Belen because Ancheta played below par. It’s a good thing that our offense clicked in the fourth and fifth sets,” sabi ni SSC coach Roger Gorayeb.
Nakakuha naman ang University of Santo Tomas ng 49 points mula kina Venus Bernal at Mary Jean Balse nang hugutin ng Tigresses ang 15-25, 30-28, 26-24, 25-22 panalo laban sa Adamson upang ipuwersa ang sudden death bukas para sa huling championship berth.
Ginamit ng three-time champion Tigresses, nakalasap ng 25-22, 25-18, 22-25, 25-23 pagkatalo sa Lady Falcons sa kanilang series’ opener noong Biyernes, ang kanilang championship experience para makabawi sa pagkatalo sa first set sa pamamagitan ng impresibong offensive game sa sumunod na tatlong frame.
Para sa updates and results, bisitahin ang tournament website sa www.v-league.ph. Ang liga ay inorganisa ng Sports Vision at suportado ng Active White skin whitening products, Mikasa at Accel.
Sumuporta si guest player Suzanne Roces kay Latigay sa kanyang 17-points habang nagsumite naman si Analyn Joy Benito ng 13 hits para sa San Sebastian, na nakarating sa finals ng liga na sponsored ng Shakey’s Pizza sa ikaapat na sunod na pagkakataon.