^

PSN Palaro

Burger King naman ang susubok sa Harbour Centre

-

Ang Burger King naman ang susubok na pumigil sa six-peat seeking Harbour Centre sa kanilang nakatakdang sagupaan ngayon sa 2009 PBL PG Flex Linoluem Cup na magpapatuloy sa Ynares Sports Center sa Pasig.

Bagamat marami nang nawala sa Harbour Centre, naniniwala si coach Jorge Gallent na nakalalamang sila sa manpower kontra sa BK Stunners kahit di sigurado kung lalaro si forward Jerwin Gaco dahil may sakit ito. Ngunit naririyan naman si Reed Juntilla na siyang nagbida sa panalo ng mga Batang Pier kontra sa Magnolia Purewater.

Kumana si Juntilla ng 16 sa kanyang tinapos na 25-puntos upang ihatid ang Harbour Centre sa ikatlong sunod na panalo at solohin ang liderato.

Sasanda naman si BK coach Allan Gregorio sa mga pambato ng San Beda na sina Ogie Menor, Borgie Hermina at JR Tecson, at University of the East star na si Marcy Arellano.

Tangka naman ng Pharex ang kanilang unang panalo matapos mabokya sa kanilang unang tatlong laro sa pakiki-pagharap sa Bacchus na may 1-2 record, sa pambungad na laro sa alas-2:00 ng hapon.

Sa ikatlo at huling laro, magsasagupa naman ang Smart-UP and Xtreme RP sa Women’s PBL kung saan hangad ng dalawang team na masundan ang kanilang buwenamanong tagumpay.

Ang mananalo sa labanang ito ay makikisalo sa Discovery Suites-RP Women’s team at Nutri-C-Ateneo sa itaas ng standings. (Mae Balbuena)

vuukle comment

ALLAN GREGORIO

BATANG PIER

BORGIE HERMINA

BURGER KING

DISCOVERY SUITES

FLEX LINOLUEM CUP

HARBOUR CENTRE

JERWIN GACO

JORGE GALLENT

MAE BALBUENA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with