^

PSN Palaro

Aces sinorpresa ng Rain or Shine

- Mae Balbuena -

Hindi man nanalo ng championship ang Rain or Shine may dahilan sila para magdiwang matapos ang kanilang malaking tagumpay.

Tinalo ng Elasto Painters ang pinakamainit na koponan ngayon na Alaska, 92-88 na nagbigay buhay sa kanilang kampanya sa kasalukuyang KFC-PBA Philippine Cup na nagpatuloy kagabi sa Araneta Coliseum.

Sa kauna-unahang pagkakataon sapul nang pumasok ang Asian Coating franchise sa PBA, ngayon lamang sila nanalo sa Alaska na di nila tinalo sa siyam na beses nilang paghaharap.

Nakabangon mula sa dalawang sunod na kabguan ang Elasto Painters--salamat sa 24-puntos ni rookie Jay-R Reyes at 20-puntos ni Solomon Mercado kabilang ang kanyang dalawang freethrows na nagbigay sa Rain or Shine ng 92-88 kalamangan, 10.9 tikada na lamang- upang sumulong ang Ra.in or Shine sa 6-5 kartada matapos pigilan ang four-game winning streak ng Aces.

Nakabangon ang Alaska mula sa 12-point deficit sa first half at nanatiling panganib sa Elasto Painters hanggang sa huling maiinit na segundo nang labanan nang umiskor ng basket si Joachim Thoss at isang tres ni Joe Devance upang ilapit ang iskor sa 88-90, 14.9 segundo pa ang natitira.

Ang quick foul ni Willie Miller ang nagdala kay Mercado na siyang umiskor ng pangdistansiyang freethrows at tuluyang naisubi ng Elasto Painters ang panalo nang makawala kay Devance ang inbound pass ni Larry Fonacier sa huling play.

Habang sinusulat ang balitang ito, kasalukuyang naglalaban ang SMBeer at Sta. Lucia.

ARANETA COLISEUM

ASIAN COATING

ELASTO PAINTERS

JOACHIM THOSS

JOE DEVANCE

LARRY FONACIER

NAKABANGON

PHILIPPINE CUP

SOLOMON MERCADO

WILLIE MILLER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with