Burger King bumangon

Umiskor ang Burger King ng come-from-behind win sa tulong nina JR Tecson at Borgie Hermida nang kanilang igupo ang Pharex, 89-93 sa 2009 PBL PG Flex Linoleum Cup kahapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Nagtulong sina Tecson at Hermida ng 20 points sa final period nang magbangon ang Stunners sa nine-point deficit upang makabawi sa 76-91 pagkatalo sa Hapee at sumulong sa 2-1 kartada kung saan katabla nila ang pahingang Magnolia sa likod ng nangungunang defending champion Harbour Centre na may malinis na 2-0 karta.

Tumapos naman si Tecson ng 13 points kabilang ang 3-of-4 three-point shooting, upang tumulong sa pagbagsak sa Generix sa ikatlong sunod na talo at kulelat ngayon.

Nagsumite din si Hermida ng 13 points bukod pa sa kanyang 8 assists, 5 rebounds at two steal. (MBalbuena)

Show comments