Hataw ang Alaska ngayon kung saan ang Aces ang lider sa ongoing PBA Philippine Cup. Hawak nila ang 8-2 baraha ngunit hindi naman lumalayo ang San Miguel na nasa ikalawa sa 7-3 karta.
Tuwang-tuwa ang mga fans ng San Miguel dahil sa pagbabalik nila bilang Beermen. Ika nga ng mga fans, mas masuwerte sila bilang San Miguel kaysa Magnolia pa ang dala nila.
O di ba, pati pangalan na dinadala ay inaanalisa na rin ng mga fans.
* * *
Isa pang umaariba ay ang Rain or Shine na ngayon ay may 5-4 marka at kasalukuyang nasa ikaapat na puwesto.
Hindi na sila ang ‘whipping boys’ sa PBA ngayon at sana nga ay magtuluy-tuloy na ang kanilang pag-rain at pag-shine. He he he!
Ano naman kaya ang nangyayari sa Coca-Cola?
Hmmm, na kanino nga kaya ang problema? Sa coach ba o sa players?
* * *
Pakitang-gilas din ang mga rookie Fil-Ams na sina Solomon Mercado, Gabe Norwood at Jared Dillinger sa kani-kanilang team.
Hindi lang naman mga Fil-Ams kundi pati na rin ang mga locals like Jason Castro at Bonbon Custodio.
Kanya-kanyang pa-impress na isang magandang senyales para sa PBA at kani-kanilang koponan.
* * *
Belated happy birthday kina Jerry Codiñera (Nov. 14) at Alvin Patrimonio (Nov. 17) Ric-Ric Adriatico (Nov. 17), Novi Adorable (Nov. 17). Happy birthday din kina Pilita Venzuela sa Nov. 21, Dindo Pumaren (Nov. 23) at Pette Tantoco (Nov. 29)
* * *
Our condolences to the family of the late Atty. Butch Cleofe, na yumao last Saturday. Si Atty. Butch ay kaibigan ng lahat ng mga PBA sportswriters. Ang kanyang labi ay nakahimlay sa Loyola Memorial chapel sa Marikina.