^

PSN Palaro

Philippines nakipag-draw sa Greece

-

DRESDEN, Germany — Nakipagdraw ang Philippines sa 2-2 sa highly-rated Greece kung saan ibinigay ni IM John Paul Gomez ang pinaka-importanteng panalo at kinailangang draw naman mula kina GMs Wesley So at Darwin Laylo sa ikaapat na round ng 38th World Chess Olympiad sa International Congress Center dito.

Si Gomez, na muntik nang hindi makasama sa team sa pag-alis ng team sa Manila, ay nagtala ng dalawang sunod na panalo para sa 38th-seeded Filipinos nang kanyang maungusan si GM Stellos Halkias sa 55 moves ng English.

Si So, na pumalit kay GM Bong Buenaventura sa top board sa unang pagkakataon sa nakalipas na apat na araw, ay mabilis namang pumayag ng draw kay GM Ioannis Papaoanno sa loob lamang ng 20 moves ng Slav.

Pinakawalan naman ni Laylo ang isang magandang oportunidad sa panalo laban kay GM Dimitrios Mastrovasilis nang magmintis ito sa winning push sa endgame at makuntento sa draw na isa pang Slav.

At ang pinakamalungkot sa araw na iyon ay si GM Jayson Gonzales na lumasap ng kanyang ikalawang kabiguan sa tatlong laban, nang yumuko ito kay GM Vasilios Kotroninias.

BONG BUENAVENTURA

DARWIN LAYLO

DIMITRIOS MASTROVASILIS

INTERNATIONAL CONGRESS CENTER

IOANNIS PAPAOANNO

JAYSON GONZALES

JOHN PAUL GOMEZ

SI GOMEZ

SI SO

STELLOS HALKIAS

VASILIOS KOTRONINIAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with