Patuloy sa pananalasa ang Series II champion Cebu matapos blangkuhin ang Muntinlupa, 12-0 sa abbreviated game para makalapit sa isa sa dalawang automatic semifinal berths sa Baseball Philippines’ Series IV sa Rizal Baseball Stadium kahapon.
Nagtulong sina Jeffrey Adio sa Sebastian Uichico sa three-hit job habang nagtala naman sina third baseman Emerson Atilano at centerfielder Jonash Ponce ng five runs sa malaking run ng Cebu blitz sa sixth at seventh innings tungo sa ikaanim na panalo ng Dolphins sa pitong games para makalapit sa semis at sa twice-to-beat edge.
Natigil ang laro matapos ang seven innings dahil sa 10-run mercy rule sanhi ng ikalawang sunod na talo ng Mariners at ikatlo sa anim na laro.
Tinalo naman ng Forward Taguig ang Dumaguete, 9-4 para sa 15-1 record na nagpanatili sa kanila sa solong ikalawang puwesto.