Kayang makaanim!
Hindi na rin nakakagulat ang pangyayaring tinambakan ng Harbour Centre ang Pharex Generix sa opening game ng Philippine Basketball League (PBL) PG Flex Linoleum Cup noong Sabado.
Ito’y sa kabila ng pangyayaring tatlong manlalaro lamang buhat sa koponang nagkampeon noong nakaraang torneo ng PBL ang naiwan sa poder ng Batang Pier at parang nagsisimula silang muli.
Tanging sina Jerwin Gaco, Edwin Asoro at Boyet Bautista ang natira dahil sa nagsiakyat na sa PBA ang karamihan ng manlalaro ng Harbour Centre at ang iba’y iniretiro na.
Kung titignan nga’y hindi naman sina Gaco, Asoro at Bautista ang nagning-ning noong opening game. Bale nagtulong lang ang mga ito para sa sampung puntos.
Ang nagbida ay si Reed Juntilla na isa ring dating Harbour Centre player pero hindi nakasama sa huling torneo dahil sa panandalian itong naglaro sa Red Bull. Nag-ambag din ang isang balik-Harbour Centre na si Rico Maier-hofer.
Sa kabuuan ay sumandig ang Harbour Centre sa mga manlalaro ng Far Eas-tern University na nakuha nila sa pamamagitan ng tie-up. Talaga namang very promising ang tulad nina Andy Baroca, JR Cawaling, Reil Cervantes, Aldrech Ramos at Benedict Fernandez. Ang mga ito ang siyang bubuhat sa Harbour Centre at magbibigay liwanag sa kanilang pag-asang maisubi ang record na ika-anim na sunod na kampeonato sa PBL.
Bago naman nagsimula ang torneo ay hindi nag-alinlangan si team owner Mikee Romero sa kakayahan ng kanyang koponan. Kasi nga’y alam naman ni-yang may winning tradition ang Harbour Centre at ito ay isasapuso ng mga baguhang players niya.
Isa pa’y hindi naman nagbabago ang kanyang suporta sa team. Hindi din nagbabago ang sistemang pinaiiral ni coach Jorge Gallent.
“Parang putahe lang sa isang restaurant na binabalik-balikan iyan,” ani Romero. “Established na ang pangalan ng restaurant, pareho pa rin ang may-ari ng restaurant at iyon pa rin ang chief cook ng restaurant. Pagbaliba-liktarin man iyan, ganoon pa rin kasarap yung makakain mo sa restaurant na iyan.”
Nakakagutom naman ang comparison na iyon!
Kaya siguro sa kabila ng pangyayaring lima na ang kampeonatong napapanalunan ng Harbour Centre ay gutom pa rin ang Batang Pier na mag-tagumpay.
Natural lang na hangad ng mga bagong manlalaro na patunayang kaya din nilang mabigyan ng titulo ang Harbour Centre.
Iyon siguro ang sek-reto!
* * *
BELATED birthday greetings kay Angela Pascua-Revilla na nag-diwang noong Nobyem-bre 8. Advanced birthday greetings naman kay Felisa Daquis Avelino Fulgencio ng Fatima, Mamburao Occidental Mindoro na magdiriwang sa Nobyembre 16.
- Latest
- Trending