Laban sa SMBeer pormal ng prinotesta ng Air21
Hangad ng Alaska ang back-to-back win na muling magbabalik sa kanila sa pakikisalo sa liderato sa pakikipagharap sa defending champion Sta. Lucia Realty sa pag-papatuloy ng KFC PBA Philippine Cup ngayon na dadako sa Cuneta Astrodome.
Tampok na laro ang sagupaan ng Alaska at Sta. Lucia sa alas-7:30 ng gabi kung saan hangad ng Aces na masundan ang 93-84 overtime win kontra sa Ginebra noong Linggo na nagbangon sa kanila sa dalawang sunod na talo.
Kasalukuyang nasa ikalawang puwesto ang Aces na may 5-2 kartada at ang kanilang panalo ay magbabalik sa kanila sa pakikisosyo sa San Miguel na nangunguna sa 6-2 record.
Hangad naman ng Realtors na makabangon sa dalawang sunod na talo upang mapalawig ang 3-3 win-loss slate.
Sa unang laro, hangad naman ng Purefoods ang ikatlong sunod na panalo laban sa Talk N Text na nais namang makaba-ngon sa dalawang sunod na kabiguan sa alas-5:00 ng hapong sagupaan.
Parehong may 3-4 karta ang Tropang Text-ers at TJ Giants kasama ang Coca-Cola at Red Bull.
Samantala, pormal na prinotesta ng Air21 ang kanilang laban kontra sa San Miguel Beer at hiniling ni Lito Alvarez na i-replay ang laro.
Nanalo ang San Miguel, 130-129 sa natu-rang double overtime game kung saan hindi itinama ng mga referee ang pampanalong tres ni Ranidel De Ocampo sa unang overtime na nag-bunga ng ikalawang extra five minute dahil sa 122-pagtatabla ng iskor.
Nagbayad ang Air21 na nanindigang panalo sila sa larong ito, ng P20,000 bond.
“It was clearly a three-pointer. I don’t know why they (game officials) didn’t make the correction. No doubt we won that game,” ani Alvarez. “The best thing that we can get is a replay. “We also asked for appropriate sanctions on the referees. They’re a disgrace to the league,” dagdag pa ng Air21 board representative patukoy kina referees Mario Montiel, Bong Pascual at Nol Quilinguen. (Mae Balbuena)
- Latest
- Trending