^

PSN Palaro

Lady Tams sumalo sa 2nd place

-

Hindi na kinailangan pa ng reigning UAAP cham­pion Far Eastern U na pagpawisan sila ng todo upang dispatsahin ang St. Benilde sa pama­ma­gitan ng 25-16, 25-14, 25-20 panalo at muling ma­­kabalik sa pakikisalo sa ikalawang puwesto sa Shakey’s V-League se­cond conference sa The Arena sa San Juan City ka­­hapon.

Sariwa pa mula sa kanilang runner-up finish sa Philippine University Ga­mes sa Dumaguete City, dinomina ng Lady Tams ang Blazers sa taglay nilang malakas na laro na naglimita sa kalaban na makapuntos matapos na maglatag ng matatag na de­pensa ang nagbigay sa Morayta-based spikers ng ikalawang panalo sa li­kod ng kanilang tatlong laro at makatabla ang San Se­bas­tian Lady Stags.

Humataw si Shaira Gon­zalez ng13 kills at tu­mapos ng 15 puntos, ha­bang nag-ambag naman si Irish Morada ng 12 hits pa­ra sa Lady Tams, tang­kang makapasok sa Final Four sa ligang ito na itina­ta­guyod ng Shakey’s Piz­za at inor-ganisa ng Sports Vision. Ang kabiguan ay lalong naglubog sa Lady Blazers sa ilalim katabla ang Lyceum na kapwa may 0-3 panimula.

vuukle comment

DUMAGUETE CITY

FAR EASTERN U

FINAL FOUR

IRISH MORADA

LADY BLAZERS

LADY STAGS

LADY TAMS

PHILIPPINE UNIVERSITY GA

SAN JUAN CITY

SAN SE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with