^

PSN Palaro

Guiao, humingi ng paumanhin

- Mae Balbuena -

Humingi ng paumanhin si Red Bull coach Yeng Guiao, ang naitalagang coach ng national team para sa dalawang malalaking international events, sa PBA, sa basketball fans at sa publiko sa kanyang di magandang inasal sa nakaraang laban ng Bulls kontra sa Talk N Text noong Miyerkules.

“I offer no excuses and take full responsibility for my actions. I only ask for the understanding of all concerned,” pahayag ni Guiao sa kanyang public apology statement. “In the light of greater task and heavier responsibility at hand as the national coach, I commit to avoid such unnecessary and unwanted acts in the future.”

Napatalsik na naman sa court si Guiao matapos ang dalawang technical foul noong Miyerkules ng gabi kung saan nagawang itakas ng Bulls ang 104-102 panalo laban sa Tropang Texters.

Ngunit bukod sa kanyang ikaanim na technical foul sa season na ito, nakasama ang kanyang inasal na pagdidirty finger sa mga opisyal ng PBA bago ito lumabas ng court.

Samantala, isang trade naman ang naiselyo ng Purefoods at Red Bull na kinasasangkutan ni Rich Alvarez.

Ipinamigay ng Red Bull si Alvarez sa TJ Giants kapalit ng first round pick sa 2011.

Nagkasundo ang Red Bull at Purefoods noong Huwebes ng gabi at ngayon pa lamang naipasa sa PBA ang mga dokumento na kailangan para sa approval ng Commissioners office upang ipormalisa ang trade.

Ang Purefoods ang ikaapat na team ni Alvarez na naging Rookie of the Year noong 2004 bago lumipat sa Alaska at naitrade sa Red Bull.

Sa laro, gusto ng Rain Or Shine ng masayang Halloween. Ngunit nakaramdam sila ng takot mula sa Talk N Text nang maglaho ang kanilang 21-puntos na kalamangan.

Mabuti na lamang at napigilan nila ang paghahabol ng Tropang Texters upang itakas ang 104-96 panalo.

Maaga pa lamang ay kontrolado na ng Rain Or Shine ang laro sa pagbibida ni Solomon Mercado na tumapos ng 20-puntos.

Naiposte nila ang pinaka-malaking kalamangan na 21-puntos, 79-58 mula sa lay-up ni Ryan Arana papasok sa apat na minuto ng ikatlong quarter.

Nalasap ng Phone Pals ang ikalawang sunod na talo at ikaapat sa pitong laro.

Habang sinusulat ang balitang ito, kasalukuyang naglalaban ang Purefoods (2-4) at Air21 (3-3) bilang main game kagabi.

ALVAREZ

ANG PUREFOODS

GUIAO

MIYERKULES

NGUNIT

PUREFOODS

RAIN OR SHINE

RED BULL

TALK N TEXT

TROPANG TEXTERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with