Kailangang dumaan sa butas ng karayom ang mga eskuwelahang kumakatok sa pintuan ng National Collegiate Athletic Association (NCAA) para maging miyembro ng pinakamatandang collegiate league sa bansa.
Nagtakda ang NCAA Management Committee (MAN-COM) ng mahigpit na guidelines para sa mga applicant schools na kailangang sundin bilang standard ng 84-taon nang liga.
Sinabi ni MANCOM chairman Ding Lozano ng Mapua na kailangang may magandang sports program ang mga school applicants bukod pa sa impresibong academya at malaking populasyon ng estudyante.
Sa ilalim ng sports program, kailangang makasali ang mga school candidates sa lahat ng 10 NCAA events sa seniors, juniors at women’s divisions.
Sinabi ni Lozano na panauhin sa lingguhang PSA Forum kahapon sa Shakey’s U.N. Avenue branch, na kabilang ang Emilio Aguinaldo College, Lyceum, Centro Escolar University, Arellano University at Angeles University Foundation sa mga nag-aapply sa NCAA.
Nagpadala rin ng intensiyon ang Don Bosco Mandaluyong at Technological Institute of the Philippines ngunit hindi pa ito pormal.
“During our meeting last Oct. 16, the NCAA Policy Board has already asked the MANCOM to make its choice as soon as possible. So we’re now in the process of evaluating the schools that applied to us formally, including personal visits to their places,” ani Lozano.
Sa limang applicants, nakikita ng MANCOM head na pursigido ang Emilio Aguinaldo College at Lyceum na maging miyembro ng NCAA.
“So far, itong dalawa talaga ang interesadong-interesado,” Sabi pa ni Lozano sa Forum na sponsored ng Shakey’s, Accel, Brickroad gym and Aspen spa at MedCentral Medical Clinic and Diagnostic Center.
Sa December 15, isusumite ng MANCOM ang listahan ng tatlong schools na pagaaralan ng Policy Board at malalaman kung sino ang kanilang mapipili bago matapos ang taon.
“Sabi kasi ng Policy Board, huwag nang ibitin pa yung mapipili para sa ganoon makapaghanda na yung school for the next NCAA season,” sabi pa ni Lozano.
Ang mapipiling bagong miyembro ng NCAA ay kailangang magbayad ng P5 million entry fee, dadaan sa three-year probationary period.
“Well kailangan pumasa sila sa criteria for them to become a regular member. Every year of their probationary period will also be graded,” Lozano
Ang mapipiling school ay papalit sa Philippine Christian University, na nakatakdang magsilbi ng kanilang panibagong suspension sa susunod na taon dahil sa pagpapalaro ng mga ineligible players, dalawang taon na ang nakakaraan.