^

PSN Palaro

Pagulayan, Orcollo sibak

-

JAKARTA, Indonesia — Nasibak sina Dennis Orcollo at Alex Pagulayan sa semifinals matapos mabigo sa mga kalaban mula sa Chinese Taipei sa Guinness 9 Ball Tour 2008 Grand Final kahapon sa Mal Taman Anggrek.

Yumukod si Pagulayan, nanalo sa Singapore leg, kay 2004 World Pool champion Wu Chia Ching, 6-9, habang natalo naman si Orcollo, ang kampeon sa Guangzhou leg, kay Yang Ching Shun, 5-9.

Nagkasya ang dalawang Pinoy sa $5,400 conso-lation prize matapos makarating sa semifinals ng six-city tour na inorganisa ng ESPN STAR Sports.

Sa labanan ng mga former World Pool champions, agad nabaon ang 30-gulang na si Pagulayan, 1-4 ngu-nit nagawa niyang limapit sa 3-4, ngunit dahil sa ilang miscues, nakalayo ang 19-anyos na si Wu matapos kunin ang apat na rackes, 8-4. Nakalapit pa si Orcollo sa 6 -8, ngunit hindi niya nasustinihan ang paghahabol.

Isang puntos lamang ang hinahabol ni Orcollo, ang current WPA world No. 1, 5-6 ngunit tinapos ng kanyang karibal na si Yang ang laban dahil sa mga di inaasahang pagmimintis ng Pinoy.

ALEX PAGULAYAN

BALL TOUR

CHINESE TAIPEI

DENNIS ORCOLLO

GRAND FINAL

MAL TAMAN ANGGREK

ORCOLLO

PAGULAYAN

PINOY

WORLD POOL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with