Pharex sali din sa WPBL
Nagkumpirma ang Pharex, ang leading pharmaceutical company sa bansa, kahapon ng kanilang partisipasyon sa Women’s Philippine Basketball League (WPBL) na magsisimula sa susunod na buwan.
Sa pagpasok ng Pharex, may kabuuang walong team na ang kalahok, hindi kasama ang RP women’s team na susuportahan ng Discovery Suites.
Ang Pharex ang ikatlong PBL team na makikibahagi sa pagbabalik ng women’s tournament na huling itinanghal noong panahon ni Commissioner na ngayon ay RP team coach nang si Yeng Guiao.
Ang iba pang PBL team na kalahok ay ang Harbour Centre at Bacchus Energy Drink.
Samantala, isasagawa ang WPBL Rookie Draft simula alas-2:00 ng hapon ngayon sa Penthouse, East Tower ng Philippine Stock Exchange Road sa Ortigas Centre, Pasig.
Ang Oracle Residences, ang partner ng Far Eastern University, ang unang pipili kasunod ang Smart Sports ni telecommunication tycoon Manny V. Pangilinan.
Ikatlong huhugot ng player ang RFM-La Salle ni Joey Concepcion III, kasunod ang Nutri-C-Ateneo, Pharex, Ever Bilena ni Dioceldo Sy, Bacchus at Muscletape-Lyceum ni Chito Narvasa.
- Latest
- Trending