Kagaya ni Filipino boxing superstar Manny Pacquiao, isang knockout rin ang gustong makuha ni world flyweight cham-pion Nonito “The Filipino Flash” Donaire, Jr. para sa kanyang ikalawang title defense kontra kay South Afrian challenger Moruti Mthalane.
“One thing that I have to say is that when I go in there, I’m just like Pac-quiao, I want a knockout. I want to fight the smartest fight if it’s not a knockout,” wika ng 25-anyos na si Donaire sa kanyang pag-sagupa kay Mthalane sa Nobyembre 1 sa Manda-lay Bay Resort & Casino sa Las Vegas, Nevada.
Tangan ng tubong General Santos City at nakabase ngayon sa San Leandro, California ang 19-1 win-loss ring record kasama ang 12 KOs, habang taglay naman ni Mthalane ang 22-1 (15 KOs).
Isang fifth-round TKO ang iniskor ni Donaire kay Armenian Vic Darchinyan para agawin ang dating suot nitong International Boxing Federation (IBF) at International Boxing Orga-nization (IBO) flyweight crowns noong Hulyo 7 ng 2007 sa Bridgeport, Con-necticut.
Sa kanyang unang title defense noong Dis-yembre 1 sa Mashan-tucket, Connecticut, isang eight-round TKO naman ang kanyang tinipa laban kay Mexican challenger Luis Maldonado.
“I want to take him out if it’s as early as the first round then I will. I’m not going to play with him. I’m not going to try to do anything stupid. I’m just going to try and see if I could take him out as early as I can and I will,” ani Donaire kay Mthalane.
Nasa kanilang ikala-wang sunod na buwan ngayon ang training session ni Donaire at ng kanyang father/trainer na si Nonito, Sr. bilang pag-hahanda kay Mthalane.
Ayon kay Donaire, sa-sabak sa kanyang unang laban para sa kampo ni Bob Arum ng Top Rank Promotions matapos umalis mula sa Showtime Promotions ni Gary Shaw, handa na siyang maki-pagbakbakan sa South African slugger. (RC)