^

PSN Palaro

UST nalo sa St. Benilde sa 4-sets

-

Nangailangan ang University of Santo Tomas ng apat na sets upang igupo ang St. Benilde, 25-13, 25-17, 20-25, 25-16, para sa kanilang eksplosibong pagbabalik sa Shakey’s V-League 5 second conference na nagbukas sa The Arena sa San Juan kahapon.

Nakipagtulungan si Aiza Mazo kay guest player Mary Jean Balse para umiskor ng pinagsamang 27 hits, kabilang ang 23 kills, nang dominahin ng Tigresses ang unang dalawang sets ngunit nanghina sa ikatlo gayunpaman ay nakabawi sila sa fourth tungo sa kanilang buwenamanong panalo.

“It’s nice to be back, although we are still trying to make some adjustments especially,” ani UST coach Cesael Delos Santos. “We played good in the first two sets especially on our set plays and defense.”

Nag-leave-of-absence ang UST sa first conference ng liga na sponsored ng Shakey’s Pizza matapos manalo ng tatlong championships tulad ng La Salle, na nagpahinga rin noong nakaraang kumperensiya.

Maagang kinontrol ng UST ang laban ngunit nakakuha ng lakas ang St. Benilde mula kay power-hitter Giza Yumang na umiskor ng 11 hits, upang dalhin sa ikaapat na set ang laban.

Ngunit bumalik ang porma ng UST at umiskor ng mga kinakailangang hits at naging epektibo ang kanilang reception para sa kanilang unang panalo sa torneong inorganisa ng Sports Vision at suportado ng Active White skin whitening products, Mikasa at Accel.

Para sa updates at results, bisitahin ang tournament website sa www.v-league.ph.

Umiskor sina Alumna Venus Bernal, Maika Ortiz at Rica Gutierrez ng tig-pitong hits para sa UST at tig-anim kina Raquel Ordoñez, Doreen Sanchez, Kara Agero at Cindy Velasco para sa St. Benilde.

ACTIVE WHITE

AIZA MAZO

ALUMNA VENUS BERNAL

CESAEL DELOS SANTOS

CINDY VELASCO

DOREEN SANCHEZ

GIZA YUMANG

KARA AGERO

LA SALLE

ST. BENILDE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with