Nabigo sina Francisco “Django” Bustamante at Dennis Orcollo sa semifinals, 9-6 kontra sa naging kampeon na sina Shane Van Boening at Rodney Morris ng United States sa 2008 PartyPoker.net World Cup of Pool na nagtapos kahapon sa Outland Nightclub sa Rotterdam, Holland.
Isang malungkot na kabiguan ito para sa tambalang Pinoy na nangangailangan lamang ng dalawang panalo upang muling maangkin ang pinakaprestihi-yosong korona sa billiards sa mundo na kanilang napagwagian nang una itong idaos noong 2006.
Naipagpatuloy naman ang pananalasa ng Americans, 6th seed sa lahok na 32, makaraang igupo ang No. 5 England nina reigning world 9-ball champion Darryl Peach at Mark Gray, 11-7, sa finals upang maging ikatlong may-ari ng World Cup of Pool.
Naibulsa nina Van Boening at Morris ang $60,000 top prize, habang inuwi naman ng Pinoy at Chinese pairs ang $16,000 bawat isa.