^

PSN Palaro

Pinays bigo sa Aussies pero pasok sa quarters

-

Sumubsob ang host Philippines sa mas matatangkad na Australian at lasapin ang 21-25, 22-25, 23-25 kabiguan kahapon ngunit nakausad pa rin sa quarterfinals ng 7th Asian Youth Girls Volleyball Championship sa PhilSports Arena.

Ngunit ang kabiguan ay maagang naglagay sa mga Pinay sa pakikipaglaban sa powerhouse Koreans bunga ng kanilang ikalawang puwesto sa Group A na may 1-1 win-loss slate.

Dinaig naman ng Korea ang Iran, 25-9, 25-11, 25-9.

Nanguna naman ang top seed Aussies sa Group A sa kanilang 2-0 card at haharapin ang Thais, ang perennial Southeast Asian champions, sa quarters.

Binomba ni Eliza Hynes ang mga Pinay ng 15 kills habang nagpakawala naman si Taylor Schulz ng 7 points, kabilang na ang apat sa blocks upang iselyo ang tagumpay para sa Australian.

Pinaulanan naman nina Jung Won Moon at Young Euen Jang ang Iranians ng pinagsamang 23 hits kabilang na ang apat na aces upang banderahan ang two-game sweep ng Koreans sa Group C sa torneong hatid ng Shakey’s, Thermos, Mikasa at Philippine Sports Commission.

Nauna rito, iginupo ng defending champion Japan bang Indonesia, 25-11, 25-8, 25-14, para makumpleto din ang sweep sa Group B.

Sa Group D, nalusutan ng Chinese Taipei ang Kazakhstan, 14-25, 25-23, 22-25, 25-12, 15-12 tagumpay at makapasok din sa quarters bunga ng kanilang 1-1 baraha.

Dahil sa kabiguan, ang Kazakhs at Iranians ay nagsosyo sa 9th hanggang 12th places kasama ang Indians at Sri Lankans.

At bagamat bigo, nakapasok pa rin ang Indonesians sa susunod na round kasama ang China.

ASIAN YOUTH GIRLS VOLLEYBALL CHAMPIONSHIP

CHINESE TAIPEI

ELIZA HYNES

GROUP A

GROUP B

GROUP C

JUNG WON MOON

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

PINAY

SA GROUP D

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with