^

PSN Palaro

UP Maroons kampeon sa UAAP women's judo; Ateneo naman sa men's

-

Nakopo ng University of the Philippines ang korona sa UAAP women’s judo sa pagtatapos ng kompetisyon sa UP College of Human Kinetics Gymnasium.

Nasungkit ni Catherine Joy Lariosa ang ginto sa -57 kg category habang nagreyna naman si Ada Therese Estanislao sa 52 kg class nang ipamalas ng UP lady judokas ang kanilang supremidad sa torneo sa nalikom na 75 puntos.

Pumangalawa naman ang University of Santo Tomas na may 21 puntos habang ikatlo ang De La Salle University na may 14 puntos mula sa gold ni Renelyn Benigay sa 48kg category.

Kung ang UP ang winningest team sa women’s judo na may 11 kampeonato, nasungkit naman ng Ateneo ang titulo sa men’s division kasunod ang tagumpay sa basketball at swimming.

Sa katunayan, umakyat mula sa ikatlong puwesto ang Blue Eagles sa unang araw ng kompetisyon sa likuran ng dating lider na UST sa lakas ng tagumpay nina Paulo Hector Luz at Carlo Jason Garcia sa 66 kg.

Hinatak nina Luz at Garcia ang Ateneo mula sa butas upang makopo ng Ateneo ang kauna-unahang titulo sapul nang una nila itong mapagwagian noong 2004 na may 37 puntos.

Ang Green Archers na sumandal sa gintong medalya nina Gerard Raymund Teruel (60kg) at Christian Joseph San Pedro (73kg) ay humakot ng 32 puntos para sa second place sa men’s division at pangatlo naman ang Growling Tigers na may 28 puntos na nagpatalsik sa UP Maroons sa ikaapat na puwesto na may 26 puntos.

ADA THERESE ESTANISLAO

ANG GREEN ARCHERS

ATENEO

BLUE EAGLES

CARLO JASON GARCIA

CATHERINE JOY LARIOSA

CHRISTIAN JOSEPH SAN PEDRO

COLLEGE OF HUMAN KINETICS GYMNASIUM

DE LA SALLE UNIVERSITY

GERARD RAYMUND TERUEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with