^

PSN Palaro

Appleton kampeon sa 10-Ball

-

Matapos mabigyan ng pagkakataon si Darren Appleton, sinamantala niya ito tungo sa pagkopo ng titulo sa kauna-unahang WPA World Ten Ball Championships na nagtapos kahapon sa Philippine International Convention Center (PICC).

Nang walang pumasok sa huling sargo ni Wu Chia Ching sa 24th rack sinamantala ni Appleton ang pagkakataon at inubos nito ang 10 bola sa lamesa tungo sa 13-11 tagumpay sa finals kagabi.

“I really thought I would not be back at the table again,” wika ni Appleton na pambato ng Great Britain.

Matapos umabante sa 12-9, pinakaba ni Wu ang Briton nang ibaba niya sa isang rack ang kanyang agwat. Gayunpaman, naubos ang kanyang suwerte nang tumigil sa paggulong ang 3-red ball sa butas ng corner pocket upang makatira uli si Appleton.

“I was hoping I could ran four straight racks but when I made a dry break, I knew the title was gone,” ani Wu.

Ito ang kauna-unang titulo ni Ap­ple­ton sa 16 na taong pag­lalaro ng pool at siya rin ang unang World 10-ball champ na may premyong $100,000. Nagkasya naman si Wu sa $40,000 na runner-up prize.

Bigo naman si Demosthenes Pul­pul kay Niels Feijen ng Netherlands, 8-11 sa labanan para sa third place.

Nagkasya si Pulpol sa $15,000 bilang fourth place habang nagsubi naman si Feijen ng $25,000 bilang third placer.

APPLETON

BIGO

DEMOSTHENES PUL

GREAT BRITAIN

NAGKASYA

NIELS FEIJEN

PHILIPPINE INTERNATIONAL CONVENTION CENTER

WORLD TEN BALL CHAMPIONSHIPS

WU

WU CHIA CHING

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with