Rain Or Shine nagpasiklab
Ipinaramdam ng repormadong Rain Or Shine ang kanilang lakas sa pagbibida ni rookie Solomon Mercado sa 120-102 pananalasa sa Air21 sa pagpapatuloy ng 2008 KFC-PBA Philippine Cup kahapon sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.
Kumamada si Mercado ng 29 puntos, 7 rebounds at 4 assists sa kanyang debut game upang agawin ang eksena sa pinaka-aabangang top draft pick na si Fil-Am Gabe Norwood na tumapos lamang ng anim na puntos.
“This is now really a different team and I hope we can keep the intensity,” ani interim coach Caloy Garcia sa Elasto Painters. “We don’t really want to finish 10th this time. Our target is to at least a quarterfinals finish.”
Humakot si Mercado ng 14-puntos sa ikalawang quarter katulong si Eddie Laure na may 11 upang iahon ang Elasto Painters mula sa 24-31 deficit tungo sa kanilang pagsulong sa 104-87 bentahe sa huling 6:15 ng final canto. (Mae Balbuena)
- Latest
- Trending