Estratehiya vs Pacman pinag-aaralan ng trainer ni Dela Hoya
Ngayon pa lamang ay pinag-aaralan na ni Mexican Hall of Famer Ignacio “Nacho” Beristain ang gagawin nilang estratehiya ni Oscar Dela Hoya laban kay Manny Pacquiao.
Ayon kay Beristain, kinuha ng 35-anyos na si Dela Hoya para maging chief trainer matapos mabigong mabawi si Floyd Mayweather, Sr. kay world light welterweight champion Ricky Hatton, may nakalaan na siyang plano kontra sa bilis ng 29-anyos na si Pacquiao.
“Pacquiao has been called a train in the ring. Well, De La Hoya is going to stop that train. He is going to take him out of the railroad,” wika ni Beristain kay Pacquiao. “Manny Pacquiao is going to be over.”
Si Beristain ang tumayong cornerman ni Mexican Juan Manuel Marquez nang lumaban si “El Dinamita” kay “Pacman” noong Mayo ng 2004 at Marso ng 2008.
Isang draw ang itinakas ni Marquez matapos bumagsak ng tatlong beses sa first round ng kanilang featherweight championship noong Mayo ng 2004 bago inagaw ni Pacquiao ang bitbit nitong world super featherweight belt via split decision noong Marso ng 2008.
Sasagupain ni Pacquiao si Dela Hoya sa isang non-title welterweight fight sa Disyembre 6 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.
“I’m not worried about my weight,” ani Pacquiao. ”That’s because my regular weight now is more than 155. To make the 134 pounds for my previous fight was hard for me, so this is natural. And for this fight, in my training we’re applying different techniques for Oscar. We’re going to develop my strength and power.”
Kagaya ni Pacquiao, kumpiyansa rin si trainer Freddie Roach sa tsansa ng tubong General Santos City kay Dela Hoya.
“I keep hearing that Oscar’s too big for Manny,” sabi ni Roach. “But that’s not what’s going to win this fight. What’s going to win this fight is speed, speed, speed and we going to win.” (Russell Cadayona)
- Latest
- Trending