34th PBA season di-dribol sa Sabado
Magbubukas ang kurtina para sa ika-34th PBA season sa Sabado kung saan umaasa ang mga opisyal ng liga sa isang matagumpay na season lalo na sa pagsipot ng mga baguhang players sa iba’t ibang team at ang bagong partner ng liga.
“We look at the coming season with great enthusiasm, encouraged by the success the past season. We want to sustain the momentum. The teams upgraded their lineups through the draft or by trading, and this alone ensures intense competition this season,” ani PBA commissioner Sonny Barrios sa opisyal na paglulunsad ng bagong season sa Diamond Hotel sa Roxas Blvd. kahapon.
“The watching public has been very supportive. We’ve got positive response and acceptance on practically all activities the PBA has undertaken so far--from the Rookie Camp, the drafting and the pre-season tourney. All were resounding success, making us really excited about this coming season,” ani Barrios.
Sinabi naman ni PBA board chairman Joaqui Trillo na hindi nila pababayaan ang tagumpay na ito at nangakong higit na magtatrabaho para sa mas magandang produkto na maibibigay sa mga tagasubaybay ng liga.
May bagong broadcast partner sa katauhan ng Solar Sports at bagong isponsor naman sa season-opening Philippine Cup sa katauhan naman ng KFC.
At sisimulan ng PBA ang “KFC Philippine Cup’ sa natatanging laro sa pagitan ng Talk N Text at Coca-Cola pagkatapos ng opening ceremonies na dadaluhan ni US Ambassador Kristie Kenney bilang panauhin-pandangal.
At upang mabigyan ng pagkakataon na magsama-sama ang PBA-backed National team na sasabak sa FIBA-Asia qualifying para sa 2010 World championship sa September, magkakaroon ng laro tuwing Hewebes at Sabado bukod sa regular na araw ng Miyerkules, Biyernes at Linggo.
- Latest
- Trending