3-peat sinakmal ng Red Lions
Mula sa opensa hanggang sa depensa ay lubhang napakalakas ng mga Red Lions para sa Heavy Bombers.
Nakahugot ng 20 puntos, 14 rebounds, 3 shotblocks at 2 assists kay 6-foot-8 Nigerian Sam Ekwe, tinalo ng nagdedepensang San Beda College ang Jose Rizal University, 85-69, sa Game 3 para sikwatin ang 84th NCAA men’s basketball championship sa harap ng 20,360 manonood kahapon sa Araneta Coliseum.
Ang ikatlong sunod na korona ng Red Lions nagbigay sa kanila ng ika-14 NCAA title para pantayan ang dating miyembrong Ateneo Blue Eagles sa ilalim ng 16 ng Letran.
“All our executions, especially on our offense did us wonders,” wika ni coach Frankie Lim. “And that’s the reason why Sam Ekwe played a great game tonight. Defensively also I think he did a great job on (James) Sena and he stopped (Jayson) Nocom from hitting those outside shots.”
Ito ang pangalawang beses na naglista ng ‘three peat’ ang San Beda matapos noong 1934, 1935 at 1936.
Matapos kunin ang first half, 38-29, pinalaki ng Red Lions ang kanilang kalamangan sa 18 puntos, 53-35, sa 6:29 ng third quarter bago ang basket ni Nocom at three-point shot ni Marc Cagoco para sa 40-53 agwat ng Heavy Bombers.
Ipinoste ng San Beda ang isang 19-point lead, 59-40, galing sa dalawang sunod na basket ni Ogie Menor at jumper ni Jay-R Taganas sa huling 4:11 nito hanggang muling makadikit ang Jose Rizal, huling nagkampeon noong 1972, sa 66-76 agwat sa 2:03 ng final canto.
“It boiled down on execution, defensively and offensively. Iyong Game 2, I felt was a disaster. We came out soft and then we didn’t execute, medyo nag-panic ‘yung mga bata,” ani Lim sa Game 2.
Napuwersa ng Heavy Bombers ni mentor Ariel Vanguardia sa Game 3 ang kanilang best-of-three titular showdown ng Red Lions ni Lim nang agawin ang 62-60 panalo sa Game 2 matapos isuko ang 68-72 kabiguan sa Game 1.
- Latest
- Trending